
Exciting na Martes (May 27) ang mapapanood sa Family Feud dahil makakasama ng award-winning host na si Dingdong Dantes ang mga dedicated public servants sa survey hulaan.
Tampok sa episode na ito ang mga mahuhusay at magigiting na Team Gwapulis at Team Firefighters.
Ang Team Gwapulis ay kinabibilangan ng handsome enforcers at pangungunahan ito ni Police Staff Sgt. Julius Manalo. Siya ay former professional basketball player, nag-viral dahil sa kaniyang reunion sa Korean mother pagkatapos ng 31 taon. Makakasama rin sa Team Gwapulis ang fellow officers mula sa Manila Police District na sina Police Corporal Angelo “Yong” Borlongan, at Police Lieutenant Mark Jason Ramos. Kukumpleto sa team nila ang Pampanga Police Staff Sgt. Richard Pangilinan na isang bar and restaurant owner.
Mula naman sa Team Firefighters, maglalaro ang mga volunteers mula sa Trinitarian Fire & Rescue Brotherhood sa Quezon City. Sasabak sa survey hulaan ang 24-year-old firefighter and medic na si Precious Anne Mistades. Kasama niya sa Team Firefighters ang youngest sa brotherhood na si Matt Mariano Jarmin, ang 26-year-old medic na si Zairine Red Porte, at ang dedicated fireman na si Marlon Diaz Lubay.
Exciting match ang inihanda ng Family Feud kaya tutukan ang episode na ito ngayong May 27!
"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.