GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Team Ka-Breathless at Team Love & Laugh, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 30, 2026 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcoleta should face legal process in plunder case—Palace
Suspect in killing of 89-year-old woman in Iloilo arrested
Roi Vinzon on his son Anton's first lead role: 'Mas magaling ka sa akin'

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Kilalanin ang mga makakasama nilang magdala ng good vibes sa 'Family Feud' ngayong June 30.

Sa huling araw ng "Malayang makitawa, malayang makisaya" campaign ng Family Feud, maghaharap ang Team Ka-Breathless at Team Love & Laugh sa isang episode na siguradong puno ng tawanan at kulitan.

Ngayong June 30, sasabak ang Team Ka-Breathless, isang grupo ng magkakaibigang mahilig sa running at healthy lifestyle. Pangungunahan sila ni Carol Dagaang, mas kilala bilang ang RunFluenzer, na may fitness at food content sa social media. Kasama rin niya ang content creator na si Kevin RD, actor-turned-vlogger na si Milo Elmido Jr., at creative director na si Noah Tonga Jr.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Heart, humor, and pure charisma naman ang bitbit ng Team Love & Laugh. Pangungunahan ang grupo ng newly engaged LGBTQ+ couple na sina stand-up comedian Tonton Soriano at entrepreneur Jhonnas Desingaño. Makakasama rin nila ang showbiz personalities na si Anton Diva at Jewel Johnson.

Abangan ang kanilang masayang sagupaan sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 30, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.