GMA Logo Luv is, Family Feud
What's on TV

Team 'Luv is' ni Sofia Pablo, panalo ng jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published January 16, 2023 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX deploys more security after slingshot rocks hit buses at Balagtas exit
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is, Family Feud


Congratulations, Team 'Luv is!'

Napatalon at napayakap sa isa't isa ang ilan sa cast ng bagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms kasama ang lead star nito na si Sofia Pablo nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Lunes, January 16, 2023.

Kasama ng tinaguriang next generation leading lady na si Sofia sa kanyang winning team ang kanyang co-stars sa series na sina Debraliz Valasote, Boom Labrusca, at Ariel Ureta.

Sa nasabing episode, nakalaban naman nila ang team XSquad ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista at ang kanyang mga kapwa live streamers na sina Princess Ramos, Kyle Pasajol, Mark Cordovales.

Sa first at second round ng game, nangunguna pa ang team XSquad sa score na 122 points.

Pagdating sa third round, nakabawi na ang Team Luv is sa score na 60 points.

Sa fourth round, mas naungusan pa ng Team Luv is ang XSquad nang ma-perfect nila ang survey answers sa tanong na, “Ano ang ginagawa ng fan kapag nakita niya ang kanyang idol sa isang mall?”

Dito ay nakakuha ang team ni Sofia ng mataas na final score na 357 points.

Sina Sofia at Boom ang sumalang sa last round o fast money round kung saan nakabuo sila ng sapat na score na 200 points upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang GMA Kapuso Foundation Inc. bilang napiling charity ng Team Luv is habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang team XSquad.

Samantala, mapapanood na mamaya ang world premiere ng Luv is: Caught in His Arms, 8:50 p.m. pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra sa GMA Telebabad.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: