GMA Logo Luv is Caught in His Arms
What's on TV

'Luv is: Caught in His Arms,' ngayong Lunes na sa GMA Telebabad

Published January 15, 2023 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is Caught in His Arms


Magsisimula na bukas ang kilig series na magbibigay ng bagong kahulugan ng pag-ibig -- ang 'Luv is: Caught in His Arms.'

Mapapanood na simula bukas, January 16, sa GMA Telebabad ang first installment ng pinakabagong kilig series ng GMA na Luv is -- ang Luv is: Caught in His Arms.

Ang naturang series ay ang first collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios. Ito ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at kilala rin bilang Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kasama rito nina Sofia at Allen ang ilan sa Sparkada boys na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas na tiyak din na magpapakilig sa maraming manonood.

Ipinapakilala rin sa nasabing series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales.

Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng social media star-turned-actress na si Rain Matienzo na napanood na rin sa TV sa seryeng Artikulo 247 at sa trending GMA series na Maria Clara at Ibarra bilang si Salome.

Sa media conference ng naturang series na ginanap nitong Miyerkules, January 11, hindi naiwasan na maging emosyonal nina Sofia at Allen nang balikan nila kung paano sila nagsimula ngayong magsisimula na ang kanilang first-ever primetime series.

“Happy ako kasi siya 'yung naging partner ko and hindi ko ma-imagine 'yung sarili ko na na nandito sa sitwasyon na 'to o where I am right now kung hindi siya 'yung naging ka-partner ko,” ani Sofia kay Allen.

“Ako naman, kung ano mang meron po kami ngayon na kami lang ang nakakaalam, ayoko po itong mawala, ayoko siyang mawala at kung ano mang mangyari ipaglalaban ko 'yun kasi ang sarap po sa feeling na 'yung kasama mo lang dati na nangangarap lang kayong maging love team…

“Natutuwa lang po kasi ako kasi pandemic talaga hindi naman po kami nila-love team talaga kung baga pinush namin nag-TikTok kami, gumawa kami ng vlogs… masaya lang ako kasi binibigyan kami ng [opportunity],” umiiyak na sinabi ni Allen.

Dahil napuno na ng emosyon si Allen, agad na ipinagpatuloy ni Sofia ang pagkukuwento.

“Bakit ka nagpapaiyak, sabi ko hindi ako iiyak e. Hindi kasi 'yun nga po itutuloy ko po 'yung sinabi niya kasi umiiyak na siya, hindi na siya nakakapagsalita kapag umiiyak na siya,” ani Sofia.

Paliwanag ng teen actress, masaya sila ni Allen dahil sa narating ng kanilang tambalan at unti-unti nang nakikilala ang binuo nilang love team.

Aniya, “Hindi po kasi kami 'yung type ng love team na network 'yung nag-decide na sige love team kayo. Kami po 'yung type na kami 'yung bumuo, kami 'yung nagsipag, nag-TikTok kami kasi gusto talaga namin na maging love team kasi na-e-enjoy namin 'yung company ng isa't isa and alam namin na nandoon kami sa edad na masaya magkaroon ng love team kasi ito 'yung panahon na maraming kinikilig kahit mga mommies kinikilig sa mga bata.”

“Sorry po kung umiiyak kami siguro po natutuwa lang kami kasi 'yung pinangarap namin before na hindi po alam kung magkakatotoo is ito na siya,” dagdag pa ni Sofia.

Panoorin ang full trailer ng Luv is: Caught in His Arms, DITO:


Kiligin sa kuwento ng Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.


SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: