
Masayang throwback ang hatid ng Family Feud ngayong Martes dahil magsasama-sama ang ilan sa mga pinaka-iconic na artista ng dekada '70s, '80s, at '90s.
Ngayong May 19, mapapanood sa Family Feud ang kanilang masayang reunion na siguradong ikatutuwa ng longtime fans ng Pinoy showbiz.
Mangunguna sa grupong The Soul Sisters si Sandy Andolong, ang 1983 FAMAS Best Supporting Actress na mapapanood din sa upcoming series na Firewall. Kasama niya ang kanyang mga “sisters in spirit” at Bible study mates. Ang dating leading lady noong '70s na si Aurora Salve, ang ageless na si Ana Marin, at ang seasoned character actress na si Mel Kimura.
Makakatapat naman nila ang Samartino-Soriano Family na pinangungunahan ng dating '80s matinee idol na si Lloyd Samartino. Kasama niya sa team ang kanyang ina at singer-actress at 1958 Miss Manila na si Carmen Soriano. Kabilang din ang kanyang uncle na si Potcholo Soriano at ang musician na anak ni Lloyd na si Sergio.
Abangan ang exciting friendly competition ng seasoned stars sa Family Feud ngayong May 19, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.