GMA Logo Alden Richards and Sharon Cuneta on Family Feud
What's on TV

Team nina Alden Richards at Sharon Cuneta, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published December 9, 2023 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Revilla posts P90K bail for graft case over alleged ghost flood control project
Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Sharon Cuneta on Family Feud


Congratulations, team Family of Two!

Masayang-masaya sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Megastar Sharon Cuneta nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Biyernes, December 8.

Sa nasabing episode, kasama nina Alden at Sharon sa kanilang team ang writer at director ng kanilang pelikulang A Family of Two na sina Mel Del Rosario at Nuel Naval.

Ang Family of Two ay kabilang sa mga pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Dito ay nakalaban naman nila ang team Laughing Ladies na binubuo ng iconic comediennes na sina Tessie Tomas, Mitch Valdez, Fe Delos Reyes, at Beverly Salviejo.

Sa kanilang paglalaro, panalo agad ang team Family of Two sa first at second round sa score na 151 points.

Pagdating naman sa third round, nakabawi ang team Laughing Ladies sa score na 46 points.

Sa final round, muling na-steal ng team Family of Two ang game nang mahulaan nila ang huling tatlong survey answers sa tanong na, “Bukod sa eroplano, ano pa ang lumilipad sa sky?” Dito ay nakabuo sila ng 442 points na score.

Pagdating sa fast money round, sina Alden at Sharon ang naglaro. Dito ay nakaipon sila ng 207 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha nila ang jackpot prize na PhP200,000.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Family Feud's trending and most-watched episodes

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.