
Makakaharap ng cast ng 2 Valid IDs ang tambalang Dustin Yu at Bianca De Vera, o mas kilala bilang DustBia, sa isang exciting Friday showdown sa Family Feud.
Ngayong August 7, mapapanood sa grupong 2 Valid IDs ang actress-comedienne na si Pokwang, ang award-winning actress na si Meryll Soriano, direktor na si Ma-an Asuncion-Dagñalan, at comedienne-host na si Maey Bautista.
Ang 2 Valid IDs ay isa sa mga official full-length entries ng 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Tampok dito ang kuwento ng isang mahirap na magsasaka na humaharap sa matinding red tape para lamang makakuha ng mga kinakailangang valid ID at mailigtas ang buhay ng kanyang asawa.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, handang makipagsabayan ang Team DustBia na binubuo nina Dustin Yu at Bianca De Vera, kasama sina PBB alumnus River Joseph at host na si Milo Elmido Jr.
Bago ang kanilang "DustBia: Love, Actually" concert, susubukan ng grupo ang kanilang talino at teamwork sa Family Feud ngayong Biyernes.
Abangan ang masayang sagutan at tawanan sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 7, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.