GMA Logo Revilla Clan and Team Happy Together in Family Feud
What's on TV

Team of showbiz royalty at newly engaged couple, maghaharap sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 29, 2025 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Revilla Clan and Team Happy Together in Family Feud


Sino ang mas magaling sa pagsagot ng top answers? Panoorin ito sa 'Family Feud' ngayong July 29.

Ngayong July 29, kaabang-abang ang tapatan ng team of showbiz royalty at newly engaged couple kasama ang kanilang mga kaibigan sa Family Feud.

Mapapanood ngayong Martes sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang iconic na Revilla Clan at team Happy Together.

Maglalaro bilang leader ng The Revilla clan ang versatile actor, host, and musician na si Bernard Palanca. Makakasama niya sa Family Feud ngayong Martes ang kaniyang kapatid na si Santi Hocson at kanilang pinsan na sina Juliana Roberta Revilla at Juan Franco Revilla. Sina Juliana at Juan ay mga anak ng veteran actor na si Johnny Revilla. Siya ay present din sa Family Feud studio para i-cheer ang kanilang team.

Revilla Clan and Team Happy Together in Family Feud


Mula naman sa team na Happy Together, magiging leader ang Kapuso weather forecaster and host na si Anjo Pertierra. Makakasama ni Anjo ang kaniyang fiancée na si Eunice Jorge na vocalist ng Pinoy rock band na Gracenote. Kabilang din sa Team Happy Together si EJ Pichay na drummer ng kanilang banda, at ang kaibigan nilang si TJ Pasco.

Ang iconic showbiz clan o ang lovers at kanilang closest friends ang magwawagi? Abangan ito ngayong July 29 sa Family Feud!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.