
Muling magbabalik ang “Good Answer,” ang parody ng hit game show na Family Feud, sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (August 21).
Mapapanood din sa segment na ito ang role ni Super Tekla bilang si Steve Havey na guest co-host ni Boobay.
Maglalaban sa “Good Answer” ang dalawang teams ng celebrity contestants. Ito ay ang “Team Pa-Sweet,” na binubuo nina The Fake Life star Shanelle Agustin, John Vic De Guzman, at Ian Red, at ang “Team Pa-Delight” na sina Underage actress Elijah Alejo, Jennie Gabriel, at Pepita Curtis.
Sa paghaharap ng two competing teams, kailangan nilang mahulaan ang mga sagot ng survey respondents.
Bago matapos ang masayang Sunday night, mapapanood ang parody na “Pauwi Na Si Papa," na tungkol sa nag-viral na mga kuwento ng unang pagkikita ng mga Pinay at nobyo nilang foreigners.
Tutukan ang exciting episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
BALIKAN ANG HOTTEST “MAY PA-PRESSCON” EPISODES NG TBATS NOONG 2021 SA GALLERY NA ITO.