
Exciting na Lunes ang sasalubong sa atin this week dahil sa sizzling battle ng powerhouse food-loving team sa Family Feud.
Maglalaro ngayong August 11 ang award-winning journalist na si Kara David kasama ang kaniyang Pinas Sarap team. Makakalaban niya sa Family Feud face off ang viral cooking vlogger na si Connh Cruz, a.k.a. Modern Nanay, at ang kaniyang mga foodie friends.
Magiging leader ng Team Pinas Sarap ang isa sa mga highly-respected journalists at host ng top-rated GTV show na Pinas Sarap na si Kara David. Binansagan din si Kara sa TikTok na Queen of Potential Sounds.
Makakasama niyang maglalaro sa Team Pinas Sarap ang production coordinator na si Rose Dagli, segment producer na si PJ Polenio, at ang regular guest ng Pinas Sarap, ang comedienne na si Ashley Rivera.
Ang leader naman ng Team Barbie-Cute ay si Connh Cruz o Modern Nanay. Siya ay nakilala sa kaniyang comforting recipes and mom-life wisdom with millions of views and followers.
Makakasama naman ni Connh ang kaniyang fellow content creators and food vloggers. Kabilang sa Team Barbie-Cute si homebaker na si "Goldybakes" a.k.a. Gold Monroy; ang food and resto reviewer na kilala rin bilang "Pambansang Rater" na si Marky Parian o Markybap; at ang food blogger and content creator na si "Hungry Mommy," Russel Tesil.
Abangan kung sino ang may naitatagong recipe for victory ngayong Lunes, August 11, sa Family Feud!
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.