
Humanda sa isang matinding tapatan ng mga Filipino actor sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Ngayong Sabado (August 8), maghaharap ang mga bagong celebrity pair na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Abangan ang competitive duo na Team PINKCAI na binubuo nina award-winning TV-theater star Pinky Amador at comedienne-actress Cai Cortez.
Makakatapat nila ang matinding tambalan ng Team MERMEL, ang acclaimed actress na si Meryll Soriano at veteran actor na si Mel Martinez.
Siguradong more tawa, more saya ang magiging kuwentuhan at papremyo sa game show kasama ang high-energy 3Kapuso hosts Heart Evangelista at Sean Lucas!
Sagot din ang good vibes at meaningful opinions ng nag-iisang celebri-peep beauty queen at advocate, Joy Barcoma!
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP 200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: