
Makiki-celebrate ang Family Feud sa upcoming 75th Marine Birthday.
Ngayong October 6, dalawang teams mula sa Philippine Marine Corps ang magtatapat sa special episode na magpapakita ng discipline, camaraderie, and fun sa Family Feud!
Sa Team Discipline maglalaro sina 1LT Jaxl L. Deduque PN(M) from Baguio City; 2LT Darwin James T. Rullan PN(M) from Baguio City; SSGT Eric A. Gacusan PN(M) from Sultan Kudarat; at 2LT James Saquido PN(M) from Albay.
Makakatapat nila sa pagsagot ang Team United in Purpose na kinabibilangan nina 2LT Edelfa Leila Escarda PN(M) of Davao de Oro; 2LT Winky J. Colina PN(M) of Butuan City; Corporal Lilibeth N. Diaz PN(M) of Pangasinan; at PFC Diane Marie Cayabyab PN(M) of Taguig City.
Ang bakbakan sa pagitan ng dalawang teams ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Marine Corps ng kanilang 75th anniversary na may temang “PMC @75: Anchored in Discipline, United in Purpose, Leading Archipelagic Defense Forward.” Nasa ilalim ng Philippine Navy ang PMC. Ang Family Feud host na si Dingdong Dantes ay isang reservist sa Philippine Navy.
Laughter, excitement, and surprises ang inihanda ni Dingdong Dantes kasama ang mga maglalaro sa Family Feud kaya tutukan ito ngayong Lunes, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: