
Luxury vs. Lutong-Bahay ang magaganap sa tapatan ng dalawang sikat na content creator groups na mapapanood sa Family Feud!
Maghaharap ngayong Martes, July 28, ang Done Deal Boys na kilala sa kanilang love for luxury watches at negosyo, at ang Team Kusinela na pamilyang minahal online dahil sa kanilang mga lutong-bahay recipes.
Magpapakitang-gilas sa Done Deal Boys sina Pareng Hayb, Gerald Layug, Pareng Chollo, at Patrick Rodriguez. Nakilala sila sa social media dahil sa kanilang content tungkol sa luxury watches, negosyo, at lifestyle. Bukod sa pagiging watch enthusiasts, ibabahagi rin nila sa Family Feud ang kuwento ng kanilang samahan bilang magkakaibigan na pinagtagpo ng iisang passion.
Hindi rin magpapahuli ang Team Kusinela sa pangunguna ng food content creator na si Angela Joy Lulu. Sumikat ang kanilang cooking videos at simpleng home-cooked recipes na kinukunan sa paanan ng Mt. Arayat sa Pampanga at umani ng milyun-milyong views online.
Kasama niya sa laban ang kanyang ina na si Evangeline "Vangie" Lulu na naging inspirasyon niya sa pagmamahal sa pagluluto. Kabilang din ang kanyang kapatid na si Joshua Lulu na kilala bilang official taste-tester ng pamilya at si Leonel C. Jimenez, ang videographer at editor ng videos ng Kusinela.
Sino kaya ang mananaig? Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 28, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.