
Napanood na ng fans ang teaser ng Widows' War, ang bagong aabangang mystery drama series sa GMA Network, sa 24 Oras kagabi, May 3.
Mapapanood sa teaser ang intense looks ng mga bida sa serye na sina Bea Alonzo at Carla Abellana, na parehong nakasuot ng black veils.
Makikita rin dito ang mga matatapang nilang tingin, na nagbibigay ng makapanindig balahibong emosyon.
Pinaulanan ito ng netizens, fans, at viewers ng samu't saring papuri.
Marami sa kanila ang hindi na makapaghintay na mapanood ang bagong GMA series at mapanood ang kanilang mga iniidolo.
Ang Widows' War ang kauna-unahang serye na pagbibidahan nina Bea at Carla.
Bukod sa kanila, mapapanood din sa upcoming series ang mga aktor na sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, Rita Daniela, Timmy Cruz, Lovely Rivero, James Graham, Charlie Flemming, Matthew Uy, at Jean Garcia.
Abangan ang Widows' War sa GMA Prime.