
Nabalot ng spekulasyon ang inilabas ng teaser ng Kapuso network sa social media accounts nito ngayong araw, June 29.
Sa teaser kasi ay nakasaad ang mga salitang: “AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO!”
Mabilis naman na lumutang ang iba't-ibang haka-haka kung sino ang posibleng tinutukoy ng misteryosong teaser.
Kanya-kanyang hula ang mga netizens at ilan lamang sa mga pangalang nabanggit ay sina Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Maja Salvador, Kris Aquino, at Judy Ann Santos.
Malay natin si liza or si kathryn or nadine hahaha
-- Mei Mei (@Monnnneeeyyy) June 29, 2021
Bea and Judy Ann are great additions! Wish it's anyone of them.😊
-- AR02 (@Ar02The) June 29, 2021
ito ba? parang magkamukha yung font ng Kapuso at Maja... hmmmm..... pic.twitter.com/TiMNS1x6bR
-- fanboi 🇵🇭|STREAM DFTF|STREAM MAPA| STREAM XOXO (@fanboi_ito) June 29, 2021
-- Redentina Turner (@redLINGAT) June 29, 2021
May nagbiro rin na ang award-winning Hollywood actress na si Meryl Streep ang soon-to-be Kapuso.
oh my god meryl streep?????? https://t.co/fsI1EKzFbL
-- Jologs Gurl (@MxNoelle) June 29, 2021
Meryl Streep? pic.twitter.com/0zIcayxoy1
-- Ruben Jay Knowles (@jaypardy) June 29, 2021
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung sino talaga ang aktres na tinutukoy ng teaser.
Wala ring may alam kung kailan pormal na ipapakilala ng Kapuso network ang sinasabing bagong addition sa poder nito.
Samantala, alamin ang mga artista na galing sa ibang network na ngayon ay certified Kapuso na: