
Ibinahagi ni Teejay Marquez ang naging diskarter niya para mag-stand out ang kaniyang video sa isang TikTok trend.
Sa isang episode ng Mars Pa More, binalikan ni Teejay ang video niyang habang supt ang Spider-Man costume, na labis na kinaaliwan ng netizens.
Biro ni Teejay, "Actually 'yung nagpasikat diyan yung sapatos kong napakadumi."
Photo source: Mars Pa More
Paliwanag ni Teejay sa hosts na sina Camille Prats, Iya Villania, at Kuya Kim Atienza ay gusto niya talagang magpapansin online.
"Trend 'yan sa TikTok, so ginagawa talaga siya na wala namang Spider-Man. Pero since gusto kong magpapansin talaga, at saka uso naman sa TikTok 'yung Spider-Man talaga, nag-Spider-Man costume ako."
Kuwento pa ni Teejay, napansin niya rin na mas gusto ng kaniyang followers na naka-Spider-Man costume siya.
Saad ng aktor, "Every time na mag-Spider-Man costume ako, talagang marami talagang natutuwa, nagko-comment, I don't know kung ano ang meron kay Spider-Man."
Panoorin ang kuwento ni Teejay sa Mars Pa More:
Samantala, balikan ang TikTok trends na inumpisahan ng Pinoy celebrities sa gallery na ito: