
Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood ang teen actor na si James Graham sa Wish Ko Lang. Ito rin ang una niyang TV guesting sa Kapuso Network.
Bibigyang-buhay ni James si Ivan, ang nakababatang kapatid ni Bambi, na gagampanan ni Kapuso actress Pauline Mendoza, sa "Utang" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 19.
Ayon kay James, masaya na napasama sa cast ng nasabing episode. Aniya, "Napakasaya po ng experience and napakabait po ng mga tao sa set, very light environment po."
Ibinahagi rin ng aktor ang natutunan sa "Wish Ko Lang: Utang" kung saan tampok ang kwento ni Bambi na naperwisyo ang buhay matapos na magpautang sa manloloko niyang kaibigan.
"Promise is a promise po and be responsible for the consequences of your own action," sabi ni James.
TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA 'WISH KO LANG' DITO: