GMA Logo David Remo
Photo by: davidremo_official (IG)
What's on TV

Teen actor na si David Remo, mapapanood sa 'Bolera'

By Aimee Anoc
Published April 5, 2022 12:59 PM PHT
Updated April 8, 2022 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Remo


Abangan si David Remo bilang si Tres sa upcoming series na 'Bolera.'

Isa sa mga dapat abangan sa bagong Kapuso serye na Bolera ang dating child actor na si David Remo.

Sa serye, bibigyang buhay ni David ang karakter ni Tres, ang kapatid ni Joni na ginagampanan ni Kylie Padilla.

Sa Instagram, ipinasilip ni David ang ilan sa mga eksena sa Bolera kasama sina Kylie, Jak Roberto, at Jaclyn Jose.

Isang post na ibinahagi ni David Remo (@davidremo_official)

Mapapansin din sa posts ni David kung gaano siya kalapit sa mga cast lalo na kay Kylie.

Isang post na ibinahagi ni David Remo (@davidremo_official)

Game na game din na ipinakita ng teen actor ang dance moves kasama sina Rayver Cruz at Jak Roberto habang nasa ikalawang lock-in taping ng Bolera.

Isang post na ibinahagi ni David Remo (@davidremo_official)

Makakasama rin ni David sa serye na ito sina Gardo Versoza, Joey Marquez, at Al Tantay.

Abangan si David sa Bolera soon sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si David Remo sa gallery na ito: