
Hiling ni Tekla na itigil na ng mga tao ang panghuhusga at pamba-bash matapos lumabas ang mga akusasyon ng kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag laban sa kanya.
Nalugmok sa stress at kalungkutan si Tekla matapos siyang ireklamo ni Michelle. Gayunpaman, unti-unti na siyang naghihilom mula sa isyu at nais na lamang niyang magpatawad at makalimot.
Malaking tulong daw dito ang kanyang kaibigan at katrabaho na si Donita Nose at ang kanyang manager na si Rose Conde. Nagpahayag din ng suporta sa komedyante ang kanyang TBATS co-host na si Boobay.
Isang mensahe ang ibinahagi ni Tekla sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Aniya, “Salamat Panginoon. Salamat Donita, Mommy Rose at mga kaibigan kung hindi ako iniwanan at handang ipagtanggol ako. Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa-isang lahat. Pipilitin kung bumangon at magsimula. Nanaig na ang katutuhanan, wag na nating husgahan at i-bash pa si Michelle at pamilya nila.
“Mas pinili ko ang forgiveness kaysa poot. Natapos na ang unos at pagsubok. Let's forget and forgive at sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko yun. Lets pray at pagmamahal nalang po ang magandang tulong para maghilom ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito. God Bless us all.”