GMA Logo Boobay and Tekla
What's on TV

Tekla, hindi napigilan maging emosyonal sa 6th anniversary ng 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published January 30, 2024 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla


Binalikan nina Boobay at Tekla ang memorable moments nila sa programang 'The Boobay and Tekla Show.'

Punong-puno ng saya at tawanan ang sixth anniversary special episode ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo, January 28.

Napanood sa nakaraang episode ang “Tawang Timpla: The 6th Anniversary Special of The Boobay and Tekla Show,” kung saan nagharap ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla, pati ang Mema Squad na sina Jennie Gabriel, Ian Red, at Pepita Curtis sa pagpapatawa.

Sino kaya ang itinanghal na “Tawang Timpla Grand Winner?” Alamin sa video sa ibaba.

Bago natapos ang programa, labis ang pasasalamat nina Boobay at Tekla sa lahat ng sumusuporta sa kanilang programa mula nang ipalabas ito noong 2019. Nagpasalamat din sila sa lahat ng bumubuo sa The Boobay and Tekla Show.

Hindi naman napigilan ni Tekla na maging emosyonal matapos magbalik-tanaw sa mga pinagdaanan nila noon ni Boobay at kung paano sila nanatiling matatag para sa kanilang programa.

“Marami tayong pinagdaanan, marami nang shows ang nawala pero nandito pa rin tayo, matatag, anumang pagsubok. Alam mo 'yan. Naka-face shield pa tayo, naka-face mask, hindi mo alam kung makakahinga pa tayo 'di ba, remember that? 'Yun 'yung memorable moment,” ani Tekla.

Dagdag pa niya, “Hindi namin alam, nangangapa kami dati ni Boobay kung paano mag-start kasi pandemic naka-face shield kami tapos naka-face mask. But thank you so much.”

Para naman kay Boobay, memorable sa kaniya ang pagdating ng Mema Squad sa TBATS.

Aniya, “Most memorable moment ko sa TBATS 'yung nadagdagan 'yung pamilya natin. Nagkaroon ng Mema Squad kasi parang hindi kumpleto 'yung pamilya kapag wala 'yung may nakakausap ka.”

Dagdag pa ni Tekla, isa ang Mema Squad sa nagbigay sa kanila ng lakas at naging malaking bahagi ng The Boobay and Tekla Show.

Para sa nonstop tawanan at good vibes, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.