
Ipinagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang kanilang sixth anniversary ngayong Linggo (January 28) at isang special “comedy bardagulan” episode ang inyong dapat tutukan.
Related content: 12 reasons why Boobay and Tekla are among today's top comedians
Mapapanood mamaya ang “Tawang Timpla: The 6th Anniversary Special of The Boobay and Tekla Show.” Huwag n'yong palampasin ang pinaka-brutal na stand-up comedy competition na ito!
Maghaharap sa nasabing competition sina stand-up comedians Ian Red at Pepita Curtis, Kapuso singer-comedienne Jennie Gabriel, at ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla.
Sa loob lamang ng 90 seconds para mag-perform, kailangan ay mapabilib ng bawat contestant ang kanilang mga kapwa komedyante para sa pagkakataong manalo ng top prize. Masusundan naman ito ng kanilang matinding asaran.
Ang comedy special na ito ay hosted ni Abot-Kamay Na Pangarap actor John Vic De Guzman.
Alamin mamaya kung sino ang mag-uuwi ng Tawang Timpla Best Stand-up Act award sa TBATS!
Huwag palampasin ng The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. May delayed telecast ang programa sa GTV sa oras na 11:05 p.m.