GMA Logo Tekla at Donita Nose
Celebrity Life

Tekla, lumipat na sa kanyang bagong bahay

By Cherry Sun
Published February 24, 2021 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Tekla at Donita Nose


Siyempre, tinulungan ng Pambansang Beshie na si Donita Nose si Tekla sa kanyang paglilipat-bahay. Panoorin ang kanilang vlog dito.

Naglipat-bahay na si Tekla!

Tekla at Donita Nose

Noong February 4, ipinasilip ni Tekla sa vlog nila ni Donita Nose ang kanyang bagong biling bahay. Ang bagong tahanan ng TBATS host ay malapit lang din sa bagong tahanan ng kanyang ka-tandem at beshie.

Sa kanilang latest vlog, ipinakita naman nilang naglipat-bahay na si Tekla at sinamahan siya ni Donita sa kanyang ginawang paghahakot ng gamit. Pahayag nila, ang bagong yugtong ito sa buhay ni Tekla ay isang perfect exit at perfect beginning para sa kanya.

Aminado ang komediyante na kasama ng magagandang alaala sakanyang condo ay ang masasalimuot din niyang naranasan doon tulad ng gulong kinasangkutan nila ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag. Maliban dito, kailangan din ng komediyante ng mas malaking lugar kung saan maaaring magkasya ang kanyang buong pamilya.

Wika ng TBATS host, “Hindi naman sa tumatakas ka but you need a place na matiwasay, 'yung parang makakapag-work ka, makakagalaw ka nang maayos. Moving forward.”

Ipinakita sa kanilang vlog ang pag-move out ni Tekla, ang pagsakay nila sa kanilang arkiladong lambor-jeepney, at ang kanilang pagdating sa kanyang bagong tahanan.

Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang mga pinagdaanang pagsubok at tagumpay ni Tekla: