GMA Logo Tekla
What's on TV

Tekla, may personal confession na gagawin sa 'TBATS'

By Cherry Sun
Published November 27, 2020 12:28 PM PHT
Updated November 27, 2020 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

American in Bacolod dodges knife attack over money
Julie Anne San Jose calls Rayver Cruz her 'main source of energy' as they return for 'The Clash Teens'
This popular local fries stall is offering free upsize until June

Article Inside Page


Showbiz News

Tekla


Sasalang sa isang one-one-one interview sa 'TBATS' si Tekla matapos ang masalimuot na kontrobersyang kinasangkutan niya.

Maghahayag ng kanyang tunay na saloobin at may aaminin si Tekla sa one-on-one interview niya kasama si Boobay sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 29.

Tekla

Si Boobay ang kukumusta mismo sa kanyang co-host matapos ang kontrobersyang kinasangkutan ng huli. Maaalalang ilang akusasyon mula kay Michelle Bana-ag, dating live-in partner ni Tekla, ang ibinato sa komediyante hanggang sa nauwi ang problema ng kanilang pamilya sa hiwalayan.

Hindi man ito naging madali para kay Tekla at kahit bumabangon palang muli, kailangan niyang harapin ang mga katanungan ni Boobay at ng The Mema Squad kaugnay ng kanyang dating kinakasama, kanilang anak na si baby Angelo, at pati na ng kanyang buhay-pag-ibig.

Special guest din sa episode na ito ang BFF ni Tekla na si Donita Nose na maghahayag din ng iba pa niyang nalalaman tungkol sa komedyante.

Matapos ang interview, mapapanood si Donita Nose sa segment na 'Roleta ng Kadramahan.' Siya rin ang makakasama ng fun-tastic duo sa pagpa-prank kay Ariella Arida sa 'Na-TBATS Ka.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, November 29, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!