
Hindi nakaligtas si Tekla sa panggu-good time ng The Boobay and Tekla Show (TBATS). Ang komedyante kasi ang napiling biktima sa 'Na-TBATS Ka!' nang gawin ang kanyang birthday celebration sa Kapuso program nitong Linggo, January 10.
Pag-anunsyo ni Boobay, nanalo raw ng award si Tekla at talagang itinapat nila ang paggawad nito sa kanilang fresh episode. Kinilala raw ang huli bilang 2020 Entertainer of the Year ng Don Ciriaco Dahilig Memorial Foundation mula Northern Luzon.
Matapos matanggap ang award at magbigay ng maiksing talumpati, doon na ibinunyag na na-'TBATS' si Tekla. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya at inialay ang kanyang birthday wish sa kanyang co-host.
Wika ni Tekla, “Ito, sobrang memorable sa akin 'to. As I said noong nag-birthday si Boobay… It's miraculous talaga, 'yung winish niya sa akin ay nagkatotoo. So lahat ng wish ko ngayon sa birthday ko ay ibibigay ko at iwi-wish ko kay Boobay.”
Panoorin ang birthday celebration ni Tekla sa video sa itaas.
Napanood din sa parehong episode ang pagsabak ng StarStruck alumni na sina Mark Herras at Kim de Leon sa iba't ibang challenges kasama ang The Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Skelly Clarkson, at The Miss Tres.
Bilang patikim, sinagot nina Mark at Kim ang provoking at intriguing questions ng fun-tastic duo tungkol sa kanilang personal na buhay. Sino sa mga ex-girlfriend ni Mark ang kanyang babalikan kung single siya ngayon? Totoo bang in a relationship ngayon si Kim?
Matapos nito, binasa naman ng dawalang Kapuso actors ang mga uncensored at thirst tweets na ipinadala sa kanila ng kanilang fans.
Sina Mark at Kim din ang naglaro sa 'The Whisper Challenge.' Team Tekla si Mark na kinabibilangan nina Pepita at Skelly habang binubuo ni Kim at ng The Miss Tre sang Team Boobay.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho.
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: