
Isang importanteng payo ang ibinigay ni Tessie Tomas sa kaniyang Born to Shine co-star na si Vina Morales tungkol sa pag-ibig at kung paano mapapanatili ang longevity ang isang relasyon
“Sa gandang 'yan, hindi ba makakahanap? Lahat tayo makakahanap ng katapat, and all you need is one man in life. God created us to have someone special, and you only need one person and he will truly come into your life,” sabi ni Tessie kay Vina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, May 19.
Dagdag pa ni Tessie, ipagdasal dapat ni VIna at hanapin niya ang taong iyon at darating at darating iyon sa buhay ng aktres.
“Pray and look for him and imagine who is the best man that you want to marry, and it will happen. Sa tingin ko lang, akin lang 'yun, mas maganda talaga kung mas mahal ka ng lalaki kaysa mahal mo siya,” sabi ni Tessie.
Samantala, mahigit isang dekada nang kasal si Tessie sa asawa niyang si Roger Pullin, isang British marine biologist. Isang sikretong maibabahagi niya sa longevity ng kanilang relasyon ay ang pagiging demonstrative niya sa asawa.
Sabi ng beteranang aktres, “You have to lalo na sa lalaki, sometimes they're not demonstrative, like me, if I feel like hugging him, even in the middle of the street, if I feel like kissing him on the lips because I feel like it, I will do it.”
Lagi rin umano sinasabi ng beteranang aktres na kapag magpapakasal ang isang tao, kailangang siguraduhin niyang mahal na mahal niya ang kaniyang partner.
“Because darating ang oras, hihingan ka ng sacrifice, and this is the supreme sacrifice, to be living in the Isle of Man and giving up everything: career, family, and friends. But I'm able to do it because I love him to bits,” sabi ni Tessie.
BALIKAN ANG ILAN SA MGA HEART MELTING BEACH WEDDING NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: