GMA Logo zephanie and olive may
What's on TV

Zephanie at Olive May, emosyonal nang malamang magkapatid sila sa 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published July 22, 2026 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Matibag: VP Sara Duterte consummated betrayal of public trust after kill job statement vs Marcos
High school student in Bacolod found with suspected shabu in bag
BTS marks new Spotify record with 'Normal' music video

Article Inside Page


Showbiz News

zephanie and olive may


Hindi naging madali para kina Zephanie at Olive May ang eksena sa 'Born to Shine' kung saan nalaman na nilang magkapatid sila.

Naging emosyonal umano ang Born to Shine stars na sina Zephanie at Olive May nang gawin nila ang eksena kung saan nalaman na nilang magkapatid ang kanilang mga karakter sa serye na sina Jeni at Megan.

“Bilang Zephanie, I guess ako 'yung parang nahihirapan para kay Jeni kasi ang dami na talaga niyang pinagdadaanan sa life and itong revelation na 'to, in real life, hindi ito madali, e,” sabi ni Zephanie.

Nakapanayam ng GMANetwork.com sina Zephanie at Olive sa naganap na mall show at album launch ng GMA Afternoon Prime series nitong Sabado, July 18, sa SM Center Muntinlupa.

Aminado rin si Zephanie na na-challenge siya sa naging reaksyon ni Jeni, “Parang wala kang maramdaman, yung plain na 'di mo alam: Gulat ka ba? Galit ka ba? Okay ka lang ba? So, I'm just so challenged din nung time na shinoot namin 'yan.”

Kaya naman, grateful ang singer-actress sa kanilang mga direktor na tinulungan sila ni Olive na ma-execute “in a very interesting way” ang naturang eksena.

MULING KILALANIN ANG CAST NG BORN TO SHINE SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi naman ni Olive na hindi nila napigilan ni Zephanie na maiyak noong kinukunan ang eksena.

“As in. Kasi we know, we know naman na, e, kasi 'di ba, nasa script naman 'yun. Pero when you really act it out, talagang kaming dalawa, emotional lang talaga kami kasi we both want it, e. We both want to be sisters,” sabi ng aktres.

Ayon kay Olive, gusto naman nila ni Zephanie, at ng kanilang mga karakter na sina Megan at Jeni, na maging magkapatid. Ngunit hindi nila ito magawa dahil sa circumstances na pumipigil sa kanila.

“But we really want to be friends and gusto namin i-accept 'yung fact na magkapatid kami. Pero hindi pa namin ma-embrace as of the moment. Pero yeah, very emotional. Abangan n'yo na lang po kung ano ang mangyayari,” sabi ni Olive.

Matatandaan na una nang nalaman ni Megan ang totoong pagkatao ni Jeni mula sa kaniyang ina na si Dara (Vina Morales). Ngunit napili nilang itago ito mula sa dalaga sa takot na agawin ni Jeni ang buhay at karera na para kay Megan.

Kalaunan, nalaman din ni Jeni ang totoo nang sabihin sa kaniya ni Amelia (Tessie Tomas) na anak siya ni Dio (Rayver Cruz), ngunit hindi naniwala ang dalaga. Nakumpirma lang niya na totoo ito nang mabasa ang recorded conversation nina Perry (Smokey Manaloto) at Minchie (Manilyn Reynes)

Panoorin dito: