
Magsasama-sama ang T.G.I.S. (Thank God It's Sabado) barkada para sa 800th episode ng Family Feud ngayong August 15!
Ngayong Biyernes, exciting na reunion at celebration of friendship ang mapanonood sa Family Feud. Ang T.G.I. S. ay isa sa mga most iconic youth-oriented shows in Philippine television history. August 12, 1995 unang napanood ang T.G.I.S. sa telebisyon at nalalapit ang kanilang 30th anniversary sa guesting nila sa Family Feud.
Maglalaro sa Team T.G.I.S. sina Michael Flores, Ciara Sotto, Bernadette Allyson, at Maybelyn Dela Cruz.
Samantala, mapapanood naman sa '90s Teen Barkada sina Kim De Los Santos, Polo Ravales, Maui Taylor, at Chico Ventosa.
Kaabang-abang din ang pag-alala ng players sa masasayang memories habang ginagawa ang T.G.I.S. Siyempre, may magaganap ding laglagan at bistuhan ang cast.
Makakasama pa nila sa episode na ito ang pamilya ng late actor na si Red Sternberg na isa sa original cast members ng T.G.I.S. Ang asawa ni Red na si Sandy kasama ang kanilang mga anak ay magiging bahagi ng pag-alala sa aktor bilang parte ng T.G.I.S. family.
Abangan ang T.G.I.S. reunion sa Family Feud sa August 15!
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.
Samantala, sa August 18 ay magsisimula na ang exciting at puno ng papremyo na Guess More, Win More Promo. Bisitahin ang GMANetwork.com at Family Feud social media accounts para sa mga detalye.