GMA Logo  movie block tcards
What's Hot

Thai romantic comedy na 'Back to the 90s,' tampok sa GTV

By Marah Ruiz
Published May 21, 2021 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

 movie block tcards


Tunghayan ang Thai romantic comedy film na 'Back to the 90s' ngayong weekend sa GTV.

Feeling nostalgic? May handog na pelikula ang GTV ngayong weekend para sa 'yo!


Huwag palampasin ang Thai romantic comedy film na Back to the 90s sa The Big Picture, sa May 23, 9:20 pm.

Bago ito, tunghayan din ang back-to-back comedies na Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto, 2:00 pm at Reyna: Ang Makulay na Pakikipagsapalaran ng mga Achucherva, Achuchuva, Achechenes... ni Keanna Reeves, 3:35 pm sa Afternoon Movie Break.

Sa May 22 naman, balikan ang teenage love story ng Let the Love Begin starring Richard Gutierrez at Angel Locsin sa Sine Date Weekends, 11:00 am.

Horror film na Ika-Sampu naman ang matutunghayan sa Afternoon Movie Break, 2:00 pm. Tungkol ito sa isang babaeng pamamanahan ng isang lumang mansiyon kung saan matatagpuan niya nag siyam na misteryosong gold coins.

Susundan ito ng drama film na Mga Batang Lansangan... Ngayon na tungkol sa limang ulilang paslit na magkakasamang nakatira sa isang nasunog na gusali. Tunghayan ito, 3:35 pm sa Afternoon Movie Break.

Ang Wild and Free nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez naman ang mapapanood sa Saturday Cinema Hits, 6:15 pm.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.