
Kaabang-abang ang pagbabalik ng Thai superstar na si Nadech Kugimiya sa GMA.
Una nang napanood si Nadech sa Lakorn series na My Love From Another Star, The Desire, The Switch, at The Crown Princess.
Ngayong Agosto, muling mapapanood si Nadech bilang si Edward sa award-winning Lakorn series na To Me, It's Simply You.
Makakasama niyang magpasaya at magpakilig tuwing umaga ang Thai actress na si Maylada Susri bilang si Vivian.
Iikot ang kuwento ng To Me, It's Simply You sa buhay ni Edward, isang series director sa Bangkok, na umuwi sa kanilang probinsya matapos na pagtaksilan at lokohin ng babaeng minahal niya.
Sa pagbabalik probinsya, makikilala niya si Vivian, ang babaeng magpapa-realize sa kanya na simple lang ang buhay, simple lang pala ang magmahal.
Abangan si Nadech sa To Me, It's Simply You, simula August 29, 9:00 a.m. sa GMA.
TINGNAN ANG THAI STARS NA NAPANOOD NA SA GMA HEART OF ASIA RITO: