
Pauloy pa ring nakakatanggap ng papuri ang first movie nina Barbie Forteza at David Licauco, o Team BarDa, ang That Kind of Love na ipinalabas sa mga sinehan noong Huloy 10.
Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at opinyon online hindi lang sa chemistry nf dalawang bida, kundi maging sa takbo ng mismong istorya. Isang netizen pa ang nagsabi na tila sasabog ang puso niya sa kilig at sumakit ang pisngi sa kakangiti sa buong pelikula.
“Brought my friend para may mahampas ako hahaha and she likes the movie as a casual viewer! Congrats, BarDa!” komento niya.
Komento naman ng isa pa, “Just watched #ThatKindOfLove nag-uumapaw talaga sa kilig ang chemistry ng #BarDa parang bitin pa 'ko sa 2 hours.”
Nabanggit din niya ang mag-boyfriend-girlfriend na magkasamang nanood ng pelikula at sinabing sana all ay may kasamang nanuod.
Isang netizen naman ang dumayo pa umano sa syudad para manood ng sine at sumakay ng barko para lang manood.
Aniya, “'Yung kailangan ko siyang pagpahingahin kase sobrang hilo nya sa barko. Naghintay pa tuloy kami ng 6 p.m. para makanuod. Need pa naming hintayin 'yung 11 p.pm. Na trip ng barko pabalik kasi libre 'yung back and forth.”
Kwento naman ng isang netizen, ni-request ng kaniyang nanay na manood ng sine, isang bagay na hindi nito masyadong ginagawa, dahil crush nito umano ang Pambansang Ginoo. Komento naman niya sa pelikula, “Infairness maganda siya. Bagay talaga sila on-screen ni [Barbie].”
BALIKAN ANG NAGING KOMENTO NG MGA NANOOD NOONG PREMIERE NIGHT NG 'THAT KIND OF LOVE' SA GALLERY NA ITO:
Isang netizen naman ang nagsabi na bukod sa nakangiti lang siya paglabas ng sinehan matapos mapanood ang That Kind of Love, isang grupo ng mga kalalakaihan ang narinig niyang kinilig din sa panonood. Sinabi rin ng netizen na talagang highly recommended ang pelikula.
Komento naman ng isa pang netizen, “TKL will give you the kilig you'll never forget, even if you're already outside the cinema! Great movie! I enjoyed super!”
Inahalintulad naman ng isang fan ang That Kind of Love sa isang Korean drama. Aniya, “BarDa is so adorable to watch on screen, you can really feel the kilig and the overwhelming chemistry between the two. Love it!”
Isang netizen naman ang nagsabi na apat na beses na siyang nanonood ng 'That Kind of Love' at sinabing “I am gonna enjoy myself to the core.”
Para sa isang netizen, nagsilbing paalala umano ang pelikula tungkol sa pagkakaroon ng plano at di inaasahang pangyayari sa buhay ng isang tao. Sabi niya, “There will always be something that does not go as planned. But an unexpected right person may make you realize everything.”
Super addictive naman para sa isang nakapanood ang on-screen chemistry nina Barbie at David at sinabing oras na mapanood ang pelikula ay gugustuhin pa ng more. Hiniling pa niya na sana magkaroon pa ng mas maraming pelikula ang dalawang bida.
Halos isang review naman ang ibinigay ng iang netizen kung saan idinetalye niya ang pinakanagustuhan niya sa pelikula. Aniya, kahit matagal na siyang BarDa fan ay nakahanap pa rin siya ng magic sa kanilang love team.
Sa huli, sinabi ng netizen, “It's a kind of movie that will uplift your soul instead of giving you anxiety. That kind of movie that you can recommend to your family regardless of age and life's philosophy.”
Refreshing at ibang klaseng kilig naman ang naramadaman ng isang manonood nang panoorin niya ang 'That Kind of Love.' Sabi pa niya ay worth to watch ang pelikula.