
Magkakaroon ng reunion sa Gen Z series na MAKA ang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar.
Mapapanood sila sa teen show kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
Ang MAKA ay pagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Sa inspiring Gen Z series na may musical elements, tampok ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA, kung saan matutunghayan ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
Abangan ang MAKA tuwing Sabado, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG GEN Z SERIES MAKA SA GALLERY NA ITO: