
Inspiring clash of heart, faith, and advocacy ang inihanda ng Family Feud ngayong Huwebes.
Ngayong September 25, mapapanood ang exciting na paghaharap sa Family Feud stage ng Team Spirit at Beauty for a Cause.
Tampok sa Team Spirit ang hosts ng long-running faith-based talk show na The 700 Club Asia. Tatayong leader sa kanilang team ang speaker, singer-songwriter na si Felichi Pangilinan-Buizon. Kasama niya ang former TV reporter na si Camilla Kim-Galvez; Jamey Santiago-Manual na lead pastor ng Lifegiver Elliptical at wife ng Kapuso actor na si Jan Manual; at ang former beauty queen at inspirational figure na si Miriam Quiambao-Roberto.
Makakatapat nila sa Thursday episode ng Family Feud ang Beauty for a Cause. Sila ang powerful team of advocates ng Alopecia Philippines kasabay ng pagdiriwang ng Alopecia Awareness Month ngayong September.
Mapapanood sa team nila ang president and founder of Alopecia Philippines, singer-songwriter, and tireless advocate na si Abby Asistio; ang actress and beauty queen na nagbahagi ng kaniyang alopecia journey na si Kelley Day; ang vice president ng Alopecia Philippines, life coach, resource speaker, and motivator na si Ellen Perez; at ang actress, businesswoman, and partner of the organization na si Jennifer Sevilla.
Episode na may hatid na heartwarming stories ang mapapanood sa Family Feud ngayong Huwebes, 5:40 p.m. sa GMA
Subaybayan ang fresh episode ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: