
Sa pagtatapos ng The Best Ka!, samahan natin sina Mikael Daez at ang guest co-host niya na si Jo Berry sa pinakahuling episode ng programang nagpakilala sa atin ng mga taong mayroong nakabibilib na mga talento.
Sa ilang buwang pagpapalabas nito sa GMA-7, tiyak na tumatatak sa ating mga isipan ang kahalagahan ng makabuluhang paggamit ng mga astig at kakaibang kakayahan hindi lang ng mga banyaga kundi pati na rin ng mga Pilipino.
Gamit ang malawak na pag-iisip, buhok, lakas, at ilan pang parte ng katawan, ipinamalas ng napakaraming indibidwal ang kanilang mga kahanga-hangang mga talento.
Sa pamamagitan din ng programang ito ay nakilala natin ang ilang mga taong mayroong mga kakaibang koleksyon na nakaka-inspire.
Ngayong darating na Linggo, ipapalabas na ang huling set ng mga nakabibilib na talento na siguradong mamamangha pa rin ang mga manonood.
Huwag palampasin ang finale episode ng comedy infotainment program na The Best Ka! ngayong Linggo, June 5, 3: 50 p.m., dito lamang sa GMA-7.
Samantala, kilalanin ang celebrities na record holders dahil sa kanilang career achievements sa gallery na ito: