GMA Logo Michael
What's on TV

The Best Ka!: Isang lalaki, puno ng cartoon characters na tattoo sa katawan

By EJ Chua
Published April 13, 2022 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Michael


Mga best, kaya n'yo rin bang ipa-tattoo ang inyong paboritong cartoon characters? PANOORIN ITO.

Sa latest na episode ng The Best Ka!, itinampok ang mga taong puno ng tattoo at kakaibang palamuti sa katawan.

Ipinakilala ng ating mga best na sina Mikael Daez, Rhian Ramos, at ang vlogger na si John Steven “Nurse Even” Soriano, ang isa sa mga taong labis na kinahiligan ang pagpapa-tattoo.

Imbes na mangolekta ng posters o iba pang memorabilia ng kanyang paboritong cartoon characters, tila kakaiba ang trip ng lalaking ito.

Siya si Michael, ang lalaking puno ng makukulay at cute na mga tattoo sa katawan.

Dahil daw sa pagkahilig ni Michael sa American cartoon na The Simpsons, naisipan niyang ipa-tattoo ang characters nito sa kanyang katawan.

Kuwento niya, hindi basta-basta ang pagkahilig niya rito dahil halos umabot sa kalahating milyon ang nagastos niya!

Sa kasalukuyan, 203 cartoon characters na ang naka-tattoo sa katawan ni Michael.

Panoorin ang buong kuwento ni Michael dito:

Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang mga indibidwal na susunod ng itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.

Samantala, kilalanin ang Pinay celebrities na mayroong tattoo sa gallery na ito: