GMA Logo Jo Berry
What's on TV

The Best Ka!: Jo Berry, makakasama ni Mikael Daez bilang guest co-host

By EJ Chua
Published May 18, 2022 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: April 22, 2026
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Abangan ang 'Little Princess' star na si Jo Berry sa panibagong exciting na episode ng 'The Best Ka!'

Sa nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong episode ng The Best Ka!, isa na namang Kapuso star ang makakasama ni Mikael Daez bilang kanyang co-host.

Una nang nakasama ni Mikael ang kanyang asawa na si Megan Young at sumunod naman niyang naging co-host si Rhian Ramos at ang Bubble Gang babes na sina Valeen Montenegro at Analyn Barro.

Ngayong darating na Linggo, mapapanood na rin sa programa ang isa sa fastest-rising Kapuso stars ngayon at ang Little Princess actress na si Jo Berry.

Huwag palampasin ang pinakabagong episode ng GMA's comedy infotainment program:

Abangan ang makulit na tambalan nina Mikael Daez at Jo Berry sa The Best Ka!, mapapanood na ngayong Linggo, 10: 05 a.m., dito lamang sa GMA.

Samantala, alamin sa gallery na ito ang mga dahilan kung bakit dapat n'yong tumutok sa The Best Ka! tuwing Linggo.