
Sa nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong episode ng The Best Ka!, makikilala na ng mga Kapuso ang mga talented na person with disabilities.
Samahan natin sina Mikael Daez at Valeen Montenegro na kilalanin ang mga taong may kamangha-manghang abilidad at mga indibidwal na hindi nagpapigil sa kanilang mga kapansanan upang tuparin ang kanilang mga pangarap.
Bida ngayong Linggo ang lalaking multiple record-holder dahil sa pagpapakitang gilas niya habang nakaupo sa kanyang wheelchair.
Mapapanood din ang lalaking record-holder dahil sa kakaibang bilis niya sa paglakad at husay sa pag-balance gamit lamang ang kanyang mga kamay at saklay.
Sabay-sabay tayong mamangha sa nakaaantig nilang mga kuwento at kakayahan sa The Best Ka!, ngayong Linggo, 3:50 p.m. dito lamang sa GMA.