GMA Logo Superman
What's on TV

The Best Ka!: Pinoy Superman, kilalanin!

By EJ Chua
Published May 23, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Superman


Kilala n'yo na ba ang lalaking kamukhang-kamukha ng sikat na American superhero? Panoorin ito:

Sa nakaraang episode ng The Best Ka!, ibinida nina Mikael Daez at ng kaniyang guest co-host na si Analyn Barro ang isang lalaking sobrang nakahiligan ang isang American movie character.

Bukod kina Mikael at Analyn, nakisaya rin sa nakaraang episode ang Lolong star na si Shaira Diaz.

Ipinakilala nila si Herbert Chavez, ang Pinoy na hindi lang basta record holder dahil sa kaniyang Superman collection ngunit kilala na rin bilang Filipino version ng American superhero movie character na si Superman.

Hindi lang kasi Superman collection ang pinaglaanan niya ng oras, pera, at panahon, kundi pati na rin ang kaniyang looks.

Dahil sa kakaibang hilig, labis siyang kinagiliwan ng mga Pinoy lalo na ang fans ng ginagaya niyang sikat na American movie character.

Panoorin ang buong kuwento ni Herbert sa video na ito:

Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang indibidwal at tunghayan ang iba pang nakabibilib na kuwento na itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, dito lamang sa GMA.

Samantala, silipin ang special collection ng ilang celebrities sa gallery na ito: