
Sa katatapos lang na episode ng The Best Ka!, isa sa mga itinampok ay ang isang Pinoy na puno ng tattoo hindi lang sa kanyang katawan, kundi pati na rin sa mukha.
Nito lamang nakaraang linggo, ibinida ng ating mga best na sina Mikael Daez, Rhian Ramos, at ang vlogger na si John Steven “Nurse Even” Soriano ang ating kababayan na naging isang model dahil sa rami ng tattoo.
Siya si Ramon “Lola Monching” Ramos, ang tinaguriang “Tattoo darling” ng Tondo, Manila.
Kung ang karamihan ay nahihirapang makakuha ng trabaho dahil sa kanilang mga tattoo, tila may kakaibang kuwento itong si Lola Monching.
Sa kabila ng kanyang hitsura dahil sa dami ng kanyang tattoo, ilang beses siyang naimbitahan ng ilang indibidwal para gawing model.
Kung inaakala naman ng iba na bata lamang siya noong mahilig siya sa pagpapa-tattoo ay nagkakamali ang mga ito.
Ayon sa Tattoo darling ng Tondo, 40 years old na siya nang naisipan niyang magpalagay ng kauna-unahan niyang tattoo sa kanyang braso.
Matapos nito ay nasundan na ito ng napakaraming beses.
Panoorin ang kuwento ng Tattoo model na si Lola Monching dito:
Kilalanin ang iba pang kahanga-hangang mga indibidwal na susunod ng itatampok sa The Best Ka!, mapapanood tuwing Linggo, 3:50 p.m., dito lamang sa GMA.
Samantala, tingnan ang mga tattoo ng ilang Filipino male celebrities sa gallery na ito: