
Isang special edition ng paborito n'yong “The Cash” - ang hit parody ng The Clash - ang hatid ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (April 17).
Ito ay pinamagatang “The Cash: Back to the '80s” kung saan tampok ang mga sikat na kanta noong 1980s na tiyak na magbibigay ng saya at nostalgia sa mga manonood.
Sisimulan nina TBATS hosts Boobay, Tekla, at Cashers ang show sa pamamagitan ng pagkanta ng “Take On Me” ng Norwegian synth-pop band na A-ha.
Pagkatapos nito, maglalaban ang tatlong pares ng Cashers sa kaabang-abang na “asaran sa kantahan.”
Aawitin nina Kapuso actor John Vic De Guzman at comedian Pepita Curtis ang “Sweet Child o' Mine" ng American rock band na Guns 'N Roses.
Isang mellow na kanta naman ang hatid ng tandem naman nina The Clash alum Jennie Gabriel at stand-up talent Ian Red dahil aawitin nila ang “Love of My Life” ng bandang Queen.
Ipapamalas din ng guest Cashers na sina Denise Barbacena at Yasser Marta ang kanilang vocal prowess sa pamamagitan ng pagkanta ng best-selling single ng bandang Starship, ang “Nothing's Gonna Stop Us Now.”
PHOTO COURTESY: denisebarbacena and itsyassermarta (IG)
Mas marami pang '80s hit ang masasaksihan sa final round. Kabilang na rito ang iconic song ni Madonna na “Material Girl” at ang “Every Breath You Take” ng The Police.
Sino kaya sa kanila ang mag-uuwi ng grand prize?
Abangan ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (April 17) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Samantala, muling balikan ang hottest “May Pa-Presscon” episodes ng TBATS noong 2021 sa gallery na ito.