
Sinubaybayan ang muling pagbubukas ng musical competition ng GMA na The Clash.
Nag-premiere ang ikalimang season ng reality talent show noong Linggo, January 22, at nakakuha na agad ito ng mainit na pagtanggap mula sa viewers.
Ang pilot episode ng The Clash 2023 ay nakuha ng 12.4 percent na rating, ayon sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng Nielsen Philippines TAM.
Higit na mas malaki ang natanggap na ratings ng January 22 episode ng The Clash 2023 kumpara sa mga katapat na programa mula sa mga kalabang istasyon.
Sa susunod na episode ng The Clash 2023, magpapatuloy ang round one kung saan maglalaban-laban ang mga natitirang 24 na kalahok.
Sigurado na ang pagtungtong sa next round ng mga naunang nagwagi sa first round, na binansagang "Unang Salpukan," na sina Liana Castillo, Lara Bernardo, at Mark Avila.
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Ang panel of judges naman ay binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha.
Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page of The Clash at sa Facebook page of GMA Network.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
KILALANIN ANG TOP 30 CLASHERS NG THE CLASH 2023: