GMA Logo mirriam manalo baby death
Celebrity Life

'The Clash' alum Mirriam Manalo on losing daughter: 'God has always a purpose'

Published April 27, 2022 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

mirriam manalo baby death


'We may never understand now but it will become clearer in the end.' - Mirriam Manalo after losing her second baby to the same disease that took the life of her first.

Nakalagak na ang mga labi ng yumaong anak ni Mirriam Manalo na si Lilah Emilia.

Ayon sa Facebook post ng The Clash Season 1 graduate, maaaring bisitahin ang burol ni Lilah Emilia sa St. Louie Memorial Chapel sa Mabalacat, Pampanga. Nakatakda naman itong ilibing sa Biyernes, April 29, sa Eternal Peace Memorial Park Mawaque.

Ito na ang pangalawang beses na namatayan si Mirriam ng anak sanhi ng mga komplikasyon sa genetic disorder na spinal muscular atrophy. Isa itong neuromuscular disease na nagdudulot ng panghihina ng skeletal muscles.

Ang panganay niyang si Layla Elleina ay binawian ng buhay noong October 2019 sanhi ng parehong sakit. Walong buwan lamang noon si Layla Elleina.

Napakasakit para sa ina na mawalan ng anak. Gayunpaman, sa kabila nito, naniniwala si Mirriam na may dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa kanyang pagsubok.

"The hurdles of life are unstoppable; beyond of our comprehension, at times. Still, I'm uncertain which pain is worse -- the shock of what happened or the ache of what never will.

"Nevertheless, God has always a purpose, we may never understand now but it will become clearer in the end," sulat niya sa kanyang post.

Nananatili ring positibo sa buhay si Mirriam. Aniya, mayroong nang playmate in heaven ang kanyang panganay.

"Para ka nang nasa Hardin anak 🙏🏻👼 anghel na anghel kna talaga! Playing with ate Layla," bahagi ni Mirriam sa hiwalay na post, kalakip ng larawan ng kabaong ng secondborn niyang si Lilah Emilia na napalilibutan ng mga bulaklak.

Ipinanganak ni Mirriam si Lilah Emilia noong December 7, 2020.

Narito ang iba pang celebrities na nawalan ng minamahal sa buhay noong 2021: