
Inalala ng 23-year-old The Clash Season 3 contestant na si Sheemee Buenaobra ang kanyang pagsali sa Indonesian folk music talent show na Dangdut Academy (D'Academy) Asia 5 noong 2019.
Photo from sheemeebuenaobra_ (IG)
Sa kanyang Instagram account noong October 22, ipinost niya ang production number nila ng kanyang kapwa contestants sa nasabing singing competition.
"Indeed. Time flies so fast! It's been a year TODAY! Hayyy This is one of the best memories I treasure. What a great experience last year 2019 with all of you guys! I miss you all. Please keep on dreaming," sulat ni Sheemee sa caption.
Ang D'Academy Asia 5 ay binubuo ng 35 kalahok mula sa iba't ibang panig ng Asya.
Isa lamang si Sheemee sa limang Filipino singers na sumali sa kompetisyon. Ang iba pang kinatawan ng bansa sa D'Academy Asia 5 ay sina Renz Fernando, Joshua Manio, Shello de Castro, at Kapuso OST Princess Hannah Precillas na nagtapos bilang 2nd runner-up.
Sa ngayon, napapanood si Sheeme bilang contender sa GMA singing competition na The Clash, kung saan siya kabilang sa Top 20.