What's on TV

'The Clash' judges, may bagong criteria for judging

By Dianara Alegre
Published October 8, 2020 12:49 PM PHT
Updated October 8, 2020 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New frog species carrying eggs on back discovered in Peru
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bautista Lani Misalucha at Aiai Delas Alas


Bukod sa galing sa pagkanta at charisma sa stage, may iba pang hinahanap sina 'The Clash' judges Christian Bautista, Lani Misalucha at Aiai Delas Alas sa Clashers ngayong season.

Hindi lang galing sa pagkanta at charisma sa entablado ang hinahanap ng The Clash judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas sa mga sasabak sa kumpetisyon ngayon.

Ayon sa mga ipinahayag ng judges sa 24 Oras, bibigyan din nila ng timbang ang natatanging passion o drive ng contestant sa pag-abot ng kanyang inaasam na pagkapanalo.

Christian Bautista Lani Misalucha at Aiai Delas Alas

Ani Christian, “The weight of the world is on his/her shoulder and yet kaya pa rin niyang mag-compete to the best of his/her ability.”

Self-awareness naman ang sabi ni Aiai, “'Yung self-awareness niya na kailangan na maging healthy ako all the way ng contest.”

Para kay Asia's Nightingale, “Since nasa kumpetisyon nga at mayroon tayong sitwasyon na pandemic, dapat patuloy pa rin 'yung drive mo. Dapat nandu'n pa rin 'yung drive mon a gusto kong manalo at gagawin ko lahat.”

Samantala, nagsimula na ang bagong season ng The Clash nitong Sabado, October 3.

Well-received din ang pilot episode ng kumpetisyon dahil nag-trending ang #TheClash sa Twitter Philippines.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens: