
May matinding pag-aawayan sina Barak (Vic Sotto) at kanyang unica hija na si Stacy (Maine Mendoza) sa upcoming episode ng Daddy's Gurl sa unang Sabado ng Agosto.
Dahil sa kagustuhan ni Stacy na matulungan ang kanyang daddy na ma-improve ang sales ng Starbaraks, hihingi ito ng tulong sa interior designer na si Ms. Tangerine para lalong pagandahin ang coffee business ng mga Otogan.
Aprub kaya kay Barak ang gustong ipabago ng interior designer o mauwi lamang ito sa matinding away dahil sa pagkakaiba nila ng pananaw ng anak na si Stacy?
Mas sulit ang weekend family bonding ng family this Saturday night kapag tumutok sa paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) hosted by Mel Tiangco.