GMA Logo the clash teens on family feud
What's on TV

'The Clash Teens' contestants, wagi ng PhP 200K jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jansen Ramos
Published August 18, 2026 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DICT to adopt Scam Watch Pilipinas model for scam awareness
EJ Obiena clears his best jump this year at 5.91 meters, winning another gold medal
Marcos orders probe into fatal Ateneo de Zamboanga shooting

Article Inside Page


Showbiz News

the clash teens on family feud


Nasungkit ng Clashkada, na binubuo ng 'The Clash Teens' contestants na sina Kaye Gabunada, Hannah May, Violette Dela Cruz, at Bien Opeña, ang jackpot prize sa Fast Money round ng 'Family Feud.'

Wagi ng P200,000 jackpot prize ang Clashkada, na binubuo ng The Clash Teens contestants na sina Kaye Gabunada, Hannah May, Violette Dela Cruz, at Bien Opeña, sa Family Feud noong August 12.

READ: Vielle Santos, Bien Opeña, Donnel Mendoza return to 'The Clash Teens'

Sumabak sa survey floor ang Clashkada kontra Clashmates, na binubuo ng kapwa nila Teen Clashers na sina Beza Trestiza, Martin Miguel, Iñigo Badillo, at Clowy Tiglao.

Kinaaliwan ng viewers ang mga sagot at banat ng Teen Clashers habang naglalaban ang dalawang grupo sa apat na round ng Family Feud.

Matapos ang apat na round, nakakuha ang Clashkada ng 486 puntos, na higit sa puntos na nakuha ng Clashmates.

Mula sa Clashkada, sina Kaye at Bien ang sumabak sa Fast Money round kung saan nakakuha sila ng 221 puntos para sa kanilang team. Dahil dito, naiuwi nila ang P200,000 jackpot prize.

Bukod dito, nakatanggap din sila ng P20,000 cash prize na kanilang ibibigay sa napili nilang charity, ang GMA Kapuso Foundation.

Samantala, nakapag-uwi naman ang Clashmates ng P50,000 consolation prize.

Patuloy na subaybayan ang journey ng Teen Clashers sa The Clash Teens tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, GMA Play, at Kapuso Stream.

Mapapanood naman ang Behind The Clash mula Miyerkules hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa Kapuso Stream at sa YouTube channel ng The Clash.

Samantala, suportahan ang inyong paboritong Clasher sa pamamagitan ng pagboto sa poll ng The Clash Teens sa GMANetwork.com/TheClashTeensVote.

RELATED FEATURE: 'The Clash Teens' Top 12 make their recording debut with GMA Playlist