GMA Logo Family Feud
What's on TV

'The Clash: Teens' finalists, maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published August 12, 2026 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Uy's Converge sees role in Pax Silica project
Endangered turtle spotted laying eggs in Davao Occidental
Reality check: the cost of childbirth in PH today

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Abangan ang paghaharap ng 'The Clash: Teens' sa 'Family Feud' ngayong August 12!

Magpapakita ng galing sa survey board ng Family Feud ang Top 8 finalists ng The Clash: Teens!

Ngayong Miyerkules, August 12, magsasama-sama ang mga young finalists para sa vocal and survey face-off sa espesyal na episode ng Family Feud. Bukod sa tapatan, magpapakitang-gilas din ang dalawang teams sa isang impromptu a cappella performance.

Maglalaro sa team na Clashmates sina Beza Trestiza, Martin Miguel, Iñigo Badillo, at Clowy Tiglao.

Si Beza, 17, ay mula sa Silang, Cavite at apat na taong gulang pa lamang nang magsimula sa pagkanta. Makakasama niya si Martin, Grade 9 student na ip inanganak at lumaki sa Dubai; Iñigo, isang Grade 12 student representing Batangas Provincial High School for Culture and the Arts; at si Clowy, isang incoming college freshman na ipinapakita ang kanyang vocal talent sa stage.

Family Feud

Magkakasama naman sa Clashkada sina Kaye Gabunada, Hannah Aladin, Violette dela Cruz, Bien Opeña III.

Si Kaye ay isang incoming college freshman at versatile multi-instrumentalist. Makakasama niya sa Family Feud stage sina Hannah, mula sa Laoac, Pangasinan, na nagsimula sa pagkanta ng apat na taong gulang; Violette, ang incoming college freshman na may passion sa performance; at Bien, isang BS Information Technology student na pinagsasabay ang kanyang academics at pagkanta.

Abangan ang kanilang laban sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 12, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.