
Sa ika-walong linggo ng The Herbal Master, napabilib ni Tonio (Mario Maurer) ang isang dayuhan matapos niyang iligtas ang kapatid nito sa pamamagitan ng halamang gamot.
Pilit na humingi naman ng yakap si Carlo (Punjan Kawin Imanothai) kay Chaba (Kimberley Anne Woltemas) kahit hindi gusto ng huli at nakita ito ni Tonio. Tila nagselos din si Chaba nang makita na magkasama sina Tonio at Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo) na papunta sa gubat.
Lingid sa kaalaman ni Chaba na hinahanap ng dalawa ang ina ni Pearl dahil malala ang kalagayan nito.
Samantala, isang kakaibang kondisyon ang kumalat sa bayan ni Tonio at ito ang sumubok sa kanyang kakayahan bilang herbalista. Dahil sa sakit na ito, ang ilang pasyente ni Tonio ay binawian ng buhay.
Ano kaya ang lunas para sa karamdaman na ito?
Huwag palampasin ang huling linggo ng The Herbal Master ngayong Martes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Chaba and Tonio's first night as a couple
The Herbal Master: A newfound friend
The Herbal Master: Ang huling pagyakap ni Carlo kay Chaba
The Herbal Master: Nangangaliwa ba si Tonio?