GMA Logo family feud
What's on TV

The Little Dreamers at Kiddowockeez, maglalaro sa Kids Edition ng 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 21, 2025 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 1) JANUARY 19, 2026 [HD]
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Saksihan ang husay sa pagsagot ng The Little Dreamers at Kiddowockeez sa Kids Edition ng 'Family Feud' ngayong July 21.

Let's start another week kasama ang cute kids na maglalaro sa Family Feud!

Sa panibagong episode ng kids edition ng Family Feud ay maglalaro ang cute kids mula sa The Little Dreamers at Kiddowockeez.

Mula sa The Little Dreamers mapanonood ang bloodline ng country's one and only Superstar. Magiging leader ng The Little Dreamers si Jaden De Leon, ang apo ng late National Artist na si Nora Aunor at ng legendary dramatic actor na si Christopher de Leon. Si Jaden ay ang anak ng aktor na si Ian de Leon at ng asawa niyang si Jennifer. Ang grade four student na si Jaden ay mahilig sa mag-drawing, magpinta, magbasa, at maglaro ng online games. Nais niya rin sundan ang yapak ng kaniyang lola at lolo sa pag-arte.

Makakasama ni Jaden ang kaniyang mga pinsan na si Samantha “Sam” Conquilla, ang Grade five student na nahihilig sa beauty pageants and modeling; si Zoe Angelie “Mamon” Gabral, ang grade five student na may passion sa badminton; at si Jezzlyn Mikayla “Kayla” Orcine, ang grade seven na may hobbies na drawing at singing.

Mula naman sa grupong Kiddowockeez maglalaro ang mga anak ng celebrity dancers. Mamumuno sa Kiddowockeez si Kendrick Austin “KD” Omalin, ang actor and model at grade five student sa Colegio San Agustin in Biñan, Laguna. Kasama niya sa grupo si Jayne Sava, ang drummer at grade 3 pupil mula sa Payatas, Quezon City; si Paris France “Paris” Chua-Uy, ang Grade 4 student na may hobby na craft-making; at si Iñigo Fernando “Iggy” Torres IV na dancing Grade 4 pupil.

Fun and cute episode ang ating mapapanood ngayong July 21, kaya tutok na sa Family Feud!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.