GMA Logo Thea Tolentino
What's on TV

'The Lost Recipe' actress Thea Tolentino, mas naging confident dahil sa kontrabida roles

By Maine Aquino
Published January 17, 2021 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Thea Tolentino


Ibinahagi ni Thea Tolentino ang kanyang journey bilang isa sa mga kilalang kontrabida ng GMA.

Inamin ni Thea Tolentino na magiging iba ang kanyang role sa The Lost Recipe kumpara sa dating kontrabida roles na ginampanan niya sa GMA.

Si Thea ay gaganap bilang si Ginger Romano sa bagong romance-fantasy series ng GMA Public Affairs. Ang The Lost Recipe ay seryeng pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Ilang entertainment writers ang nagtanong kay Thea tungkol sa mga pagbabago na kanyang gagawin bilang si Ginger sa ginanap na media conference ng The Lost Recipe.

Thea Tolentino
Photo source: The Lost Recipe

Ayon kay Thea, malayo ang kanyang karakter na Ginger sa nakasanayan ng mga manonood na kontrabida roles niya noon.

"Iba po 'yung atake dito, hindi po siya parang masyadong sigawan na puro catfights."

Dugtong pa ni Thea, "Dito ipapakita namin sa viewers na bawat character namin talagang emotionally connected kaming lahat."

Natatawa ring ikunuwento ni Thea tungkol sa kanyang pagtanggap sa role na hindi mang-aagaw ng lalaki.

"Tinanggap ko po nang buong-buo!"

Ilang taon na ring napapanood si Thea sa GMA bilang kontrabida. Kabilang sa mga naging proyekto ng aktres ay ang The Half Sisters (2014), Asawa Ko Karibal Ko (2018), at Madrasta (2019).

Ibinahagi ni Thea na naging challenge sa kanyang ang role na Ginger.

"Challenge po siya sa akin actually. Siguro since 2013, hanggang sa Madrasta sobrang heavy po lahat."

Pagpapatuloy ni Thea, rom-com naman ang theme ng The Lost Recipe at malayo ito kumpara sa dati niyang naging proyekto. Dito umano siya nahirapan dahil sanay siya sa eksenang puno ng sigawan at iyakan.

"Itong sumunod kong project, rom-com. May pagka-heavy minsan pero still on the light side.

"Doon ako hirap sa mga hindi mabibigat na scenes. Kahit po sa mga guestings ko sa I-Bilib, hirap na hirap po ako sa mga ganon. Sanay po kasi ako na laging galit.

Ayon kay Thea, inaaral niya na ngayon kung paano gumanap sa isang mas kalmadong role.

"'Yun po 'yung wino-work on ko ngayon, na pag-aralan na kalma 'yung character."

Isa pang nabanggit ni Thea sa media conference na na-typecast siya sa pagiging kontrabida. Pero ito umano ang dahil ng pag-grow niya bilang isang aktres.

"Opo e. Kasi 2013 noong unang tinry na ipasok ako as kontrabida, pero bago ako magkontrabida triny muna nila ako as mabait ang character. Parang hindi siya nag-work, parang mas bagay sa akin 'yung matatapang na roles. I don't see that naman as a disadvantage din kasi marami akong natutunan sa pagiging kontrabida."

Pag-amin ni Thea na bilang artista nagawa niyang pag-iba-ibahin ang kanyang mga ginagampanang roles.

"Thankful naman ako kasi 'yung pagiging kontrabida ko, 'yung pagbigay nila sa akin lagi ng projects as kontrabida, it shaped me as the person who I am right now."

Isa pang magandang nangyari sa umano sa aktres ay ang pagkakaroon ng confidence.

"Dati hindi ako confident. Pero dahil sa mga ibinigay nilang opportunities sa akin, kaya ko nang maging confident at naniniwala na ako sa sarili ko na kaya ko."

Abangan si Thea bilang Ginger Romano sa The Lost Recipe ngayong January 18, 8:00 p.m. sa GMA News TV.

RELATED CONTENT:

Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Thea Tolentino at Paul Salas, nag-workshop para sa 'The Lost Recipe'

IN PHOTOS: Cast ng 'The Lost Recipe,' sumailalim sa isang kitchen training