
Maagang pamasko para sa team ng mga tsikiting na The Loveables ang PhP200,000 jackpot prize na kanilang napanalunan sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Miyerkules, December 13.
Ang nasabing team ay binubuo ng mga batang players na sina Brianna Advincula, Kenji San Pablo, Trisha Andrada, at TG Daylusan.
Dito ay nalaban naman nila ang Team Adorables na binubuo rin ng bibong batang players na sina Kzoebe Baker, Princess Sy, Kian Co, at Caden Hann.
Sa kanilang paglalaro, panalo ang team The Adorables sa first round sa score na 84 points.
Sa second round, naging tabla ang laban nang manalo ang team The Loveables ng parehong score na 84 points.
Nagkaalaman naman sa third round, nang muling maka-score ang The Loveables ng 214 points.
Sa final round, muling na-steal ng team The Loveables ang game nang mahulaan nila ang lahat ng survey answers sa tanong na, “Anong part ng fried chicken ang favorite mo?” Dito ay nakabuo sila ng 505 points na score.
Pagdating sa fast money round, sina Brianna at Kenji ang naglaro. Dito ay nakaipon sila ng 228 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha nila ang jackpot prize na PhP200,000.
Ang The Loveables na ang ikatlong team na jackpot prize winner sa Kids edition ng Family Feud.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Family Feud's trending and most-watched episodes
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.